Breaking News

Advertisement

"Saan aabot ang Bente Pesos mo? "


 

"Hanggang saan aabot ang bente mo?" 


Para sa magkasintahang ito, malayo ang mararating! Sa loob kasi ng halos 7 buwan na pagtatabi ng P20 bills, nakaipon sina Bayan Patroller Kathline Kail Amaba at kaniyang nobyo na si Gerald Patrick Honrade ng tumataginting na P26,540! 


Binuksan nila ang kanilang alkansya noong ika-22 ng Mayo, na sinimulan noong Oktubre 2020.


Kuwento ni Bayan Patroller Kathline, mahilig talaga siyang mag-ipon at naisipang hamunin ang nobyo para sa isang ipon challenge. 


“Sana this [will] inspire them po na mag ipon, kahit gaano kaliit, kahit pabente-bente o kahit piso pa po 'yan, lalaki din and you will thank yourself for doing it...Mas masarap po sa feeling na may ipon tayo and may makukunan po tayo in terms of emergency.”


Sa ngayon, plano nilang simulan muli ang bente pesos ipon goals nila habang ang unang naipong pera ay balak nilang i-deposit sa kanilang savings account. | via Cielo Gonzales,

Post a Comment

0 Comments